The Ghosts in MV Princess of the Stars


Story



[Taken from Internet:]


Pagmumulto ng mga Biktima ng MV Princess of the Stars

  Ayon sa mga residente sa isla ng Sibuyan sa lalawigan ng Romblon, ang lugar kung saan lumubog ang MV Princess of the Stars, hindi sila magkakaroon ng katahimikan hangga't hindi mahahatak ang naturang barko palayo sa kanilang lugar gayun din ang mga bangkay ng biktima na nakulong sa loob at mabigyan ng nararapat na libing.

  Ang mga naninirahan malapit sa baybayin, kung saan bumaliktad ang barko at nakikita ang harap ng bapor sa dagat Sibuyan, ay nagpapahayag na nakakarinig at nakakakita ng nakakapangilabot na mga tunog at pangitain mula ng lumubog ito noong Hunyo 2008.

Mga Kababalaghan


Babaeng nakaputi

Sa lalawigan ng San Fernando, madalas daw silang nakakakita ng isang babaeng nakaputi habang naglalakd sa dalampasigan, mga taong kumakanta, gayun din ang hindi maipaliwanag na ingay ng isang marahas na kaguluhan.

Ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nakabantay doon sa nakakaramdam din ng mga hindi maipaliwanag na pagpapramdam.

Babaeng nakapula

Noong Oktubre 26, ang mga opisyal at residente ng San Fernando ay nag-alay ng misa para sa biktima ng trahedya. Ang kanilang alkalde na si Nanette Tansingco ay inanyayahan ang mga kamag-anak ng mga namatay gayun din ang mga kamag-anak ng nawawala na umupo sa tabi ng mga opisyal. Nabanggit niya sa isa sa kaniyang tauhan na si Arlene Relos na nakakita siya ng isang babaeng nakapula at ngumiti sa kaniya bago nag-umpisa ang misa. Sinuring mabuti ng mga empleyado ng town hall ang buong baybayin ngunit wala silang nakitang babaeng nakapula.

"We looked for her but she was not there. There was talk that she might be one of the dead passengers who visited us to say thank you," ayon kay Relos.

Ang naturang barko ay pag-aari ng Sulpicio Lines Inc. kung saan my karga itong 864 na katao nang pumalaot ito mula Maynila papuntang Cebu noong Hunyo 21. Ang bilang lamang ng nabuhay ay naitala sa 56 ng lumubog ito sa kasagsagan ng bagyong "Frank." May natagpuang 350 na bangkay sa mga sumunod na araw matapos ang paglubog. Ang iba ay pinaniniwalaang nawawala. Ang mga maninisid ay nakakuha ng 113 na bangkay mula nang magumpisa ang retrieval operation noong Oktubre 26.

Pagpapramdam sa mga Maninisid

Ang mga maninisid ay patuloy sa pagsasalba sa mga biktima at patuloy din silang nakakaranas ng mahiwaga at di-pangkaraniwang pangyayari sa ilalim ng tubig. Ayon sa mga empleyado ng Harbor Star, ang mga maninisid ay nahirapang kunin ang ika-13 patay na halos nalagay sa peligro ang kanilang buhay. Dumaan ang tatlong oras sa pagsubok na kunin ang labi ngunit sumuko din sila. Nang makuha nila ang bangkay kinabukasan, nilagyan ng ekis ng mga tauhan ng forensic ang nakasulat na numerong 13 sa body bag sa paniniwalang mawawala ang malas.

Ayon naman sa isang maninisid ng Coast Guard, may isang pagkakataon na nahirapan ang buong tauhan na hanguin ang angkla ng isa sa kanilang rescue ships. Ang kagamitan na ginagamit nila sa paghango ng angkla ay mistulang nabalaho sa isang malaking bato sa seabed. Ngunit nang sinisid nila 95 na talamapakan sa ilalim ng dagat upang tingnan kung ano ang naging problema, nakita nilang wala namang nakaharang o anu mang balakid at naiangat nila ang angkla ng buong gaan.

Ayon naman kay Alkalde Nanette Tansingco, ayon sa mga kuwento ng mga nakakakita, madalas daw silang may namamataang dumadaan na "gintong" barko sa mismong lugar na pinaglubugan ng barko.

Mga hindi Maipaliwanag na mga Tunog

Ayon sa mga residente na naninirahan malapit sa tumaob na barko, may mga naririnig silang mga pagkatok na nagmumula sa gitna ng dagat, sa parehong oras kung kailan lumubog ang barko. Ang mga pagkataok ay mistulang mga dagundong na nagmumula sa pinto o pader ng barko. May naririnig din sila na iyak at atungal ng bata.

Kakila-kilabot na Panaginip at Gabing hindi Makatulog

Sila Levy Samuele at Ernesto Clerin, na kapwa namatayan dulot ng trahedya, ay pumunta sa San Fernando noong nakaraang buwan upang maging saksi sa naturang retrieval operations. Ayon sa kanila, nakakaramdam sila ng kakaibang pakiramdam kung saan may malakas na puwersang humahatak sa kanila papunta sa lugar kung saan lumubog ang barko.

Si Clerin, na namatayan ng asawa ay patuloy na napapanaginipan ang kaniyang asawa bago siya bumiyahe papunta sa pinagyarihan ng trahedya.

Si Samuele naman ay patuloy pa ring hinahanap ang kaniyang pinsan at tatlong taong gulang na pamangkin. Mula nang siya ay dumating sa nasabing lugar, nararamdaman niyang nasa paligid lamang at nagmamasid-masid ang kaniyang mga yumaong kamag-anak. Naalala pa ni Samuele na bago pa man lumubog ang nasabing barko, ay naramdaman niyang humihingi sa kaniya ng tulong ang kaniyang pamangkin. Kung minsan naman ay naririnig niyang tumatawa ang paboritong manika ng kaniyang pamangkin. PInaglaruan niya ito bago siya sumakay sa barko.

Flotation device

May isang mangingisda na lumayag malapit sa lumubog na barko. Nagtapon siya ng lumang flotation device/life saving device at nang ito ay dumampi sa tubig, agad-agad itong nawala at lumubog sa ilalim ng dagat na mistulang may umaagaw sa naturang kagamitan. Hindi na ito bumalik o lumutang man lang sa ibabaw ng tubig.

Ghost Haunting of the Victims of MV Princess of the Stars

  According to the residents of Sibuyan Island in the province of Romblon, the place where the MV Princess of the Stars sunk, they can't be at peace as soon as the shipping vessel is not taken away and also the corpses of the victims which was trapped inside and still not given a proper burial.

  The residents near the shore, where the ship inverted and where you can see its face in Sibuyan Sea, was telling that they hear and see goosebumping sounds and apparitions from the sunken ship this June 2008.

Mysteries


Lady in White

In the province of San Fernando, they often saw a lady wearing white dress while they're walking in the seashore, singing people, and even unexplainable noise of an aggressive riot.

The employees of Philippine Coast Guard guarding the ship also feel unknown things.

Lady in Red

October 26, the officials and residents of San Fernando offered a mass to the victims of the tragedy. Their mayor, Nanette Tansingco, invited the relatives of the victims who had died also the relatives of the missing victims to sit beside the officials. She had told her employee - Arlene Relos, that she saw a lady wearing a red dress who smiled to her before the mass begin. They examined the whole shore but they didn't saw a lady in red.

We looked for her but she was not there. There was talk that she might be one of the dead passengers who visited us to say thank you, Relos said.

The said ship was owned by Sulpicio Lines Inc. which had 864 passengers on it from Manila to Cebu last June 21. Its in the midst of the storm Frank, the victims who was saved alive was only 56. They found 350 corpses only the next day after it sunk. The others were believed to be missing. At the start of retrieval operations - October 26, they only found 113 corpses.

The Haunting to the Divers

The divers continuously retrieves the victims and continuously they felt unknown and mysterious happenings under the sea. According to the employees of Harbor Star, the divers had a hard time to salvage the 13th corpse which their lives were almost put to danger. Three hours passed, they finally gave up in attempting to get the body. When they had got it the next day, the forensic experts put an X mark on the written number 13 on the body bag believing the bad luck will vanish.

Another one, according to the Coast Guard diver, they didn't pulled the ankle of one of their rescue ships easily. The tools they used to pull the ankle seemed stocked on the large rocks of the seabed. However, when they decided to dive on it 95 feet below see level, to find out what the problem is, they found none nor any problems, and finally they pulled the ankle easily.

Mayor Nanette Tangsingco said, according to stories she heard, they often saw a golden ship passing in the same place where the ship sunk.

Unexplainable Sounds

According to the residents living near the inverted ship, they hear knockings from the middle of the sea, at the same time the ship also sunk. The knockings seemeb to come from the doors and walls of the ship. They also hear cries and yells of childrens.

Terror Dreams and Unsleepy Nights

Levy Samuele and Ernesto Clerin, who had both dead relatives caused by the tragedy, went to San Fernando last month to witness the said retrieval operations. According to them, they sensed a different feeling which pull them to the place where the sunken ship is.

Clerin, whose wife died in the accident, was always dreaming about her before he went to the place of incident.

Samuele was still searching of his missing cousin and its 3-year old child. As he went to the said place, he felt that his relatives were just somewhere and watching. Samuele remembered the time before it sunk, the child of his cousin was asking help to him. Sometimes he hears its favorite doll laughing. It had been played before going to the ship.

Flotation device

There was a fisher who sailed near the sunken ship. He dropped an old flotation device/life saving device, and as it touched the water, it vanished suddenly and it sunk towards the depths of the sea just like someone grabbed it. It never came back nor floated in the surface anymore.

Sources:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Balita:_Pagmumulto_ng_mga_Biktima_ng_MV_Princess_of_the_Stars

Comments

  1. I love your stories. However, you should ask someone to edit your english translations. I don't think that is your forte."Mga gabing di makatulog", should be "Sleepless nights", not "Unsleepy Nights."

    ReplyDelete
  2. yes and ankle is not the right term for angkla it should be anchor
    nice story by the way ;)

    ReplyDelete

Post a Comment