What's in the river?

In Philippines, whenever someone was drowned in a river they often quote, there's a ghost over there., which was the cause of one's death. Some people may say, a monster dwells on it. Well, my grandma told me one reason why many people thought there's something on the river. The main reason is, the first ghost (or first individual) who died there, still haunts the place - the river.

Mga Sirena (Mermaids), mga Siyokoy (Mermans), mga Engkanto o Diwata (Fairies) and other unknown entities were the most usual cause of drownung in rivers. Even in Japan, they believe that Kappas are the reason why children disappear in rivers. They believe, those monsters snatch or kidnap children for some reason, perhaps, as food.

Back to Philippines, there are many ghost stories (or monster stories) subjecting rivers that kill people for unknown cause. I found a this story on a social networking site:

Naniniwala ba kayo sa mga ilog, sapa o break water na nangunguha ng buhay ng tao?

Kamakailan, kung narinig ninyo po sa news. Ibinalitang may isang kabataan na namang nalun0d at namatay sa Bibit Falls, sa Antipolo. Yung nasabing Falls na yun, happens to be near in our place. Pero mahaba-habang akyatan at lakaran kung manggagaling pa samin. (Parang mountain-climbing lang..lol) dahil mabundok na banda ro0n. Medyo liblib at mapuno. Tanda ko di ko pa narating un nung high school kami, pero marami ak0ng classmate na madalas din dun at ung iba malapit dun mismo nakatira.. Sila naniniwalang ta0n-ta0n may kinukuha ung falls/ilog, kadalasan mga bata. May aksidenteng nalulunod at namamatay na tao sa falls na un. Eto pong ise-share ko e tungkol sa isang skulmate na sinasabing na-engkanto pagtapos nilang magpuntang magbabarkada sa falls na un. Kwento ito samin mismo ng mga kasama niya noong araw na yun bago siya nawala.

Noong high school, nagulat na lang kami ng mabalitaan ung biglaang pagkamatay ng isang schoolmate namin. Weekend un, nagkayayaan silang magtotr0pa na maligo at magpicnic sa Falls. (Falls lang kasi tawag d2 samin nun) Habang andun daw sila, et0ng si Dhen (di nya po tunay na name ha) may nakitang pusang itim. Pinaglaruan at pinatay niya.. Yung ibang kaibigan niya sinuway sya pero dinedma na rin. Masaya daw sila nun habang naliligo sa falls, kumain at nagkuwentuhan. Wala naman daw kakaibang nangyari, biruan lang, usual na tawanan nilang magtotr0pa. Habang pauwi daw, tahimik na daw si Dhen. (Malayo kasi talaga ung falls na un kaya mahabang lakaran talaga bago sila makauwi) Kinakausap nila di naman daw kumikibo. Patuloy lang sa paglakad. Nakauwi na sila sa kanya-kanyang bahay tapos nung gabi din iy0n, nalaman nilang wala na ung kaibigan nila. Pagkauwi daw, nagpahinga tapos natulog lang si Dhen, di na nagising........ Pagtapos mabigla ng lahat ng kasama niyang mga tr0pa. Tinanung sila ng guardian ni Dhen anu bang nangyari? Kasama lang nila kanina.........

Sinasabing, ung napatay niyang pusang itim ay isang engkanto. At ung kasama nilang umuwing Dhen ay katawan na lang ng saging.. *RIP skulmate*


Source:
http://www.facebook.com/pages/MY-Ghost-Story/


Comments

  1. paano naging katawan ng saging kung kasama pa nilang naglakad pauwi..hayst nakakatakot talaga pag maengkanto.. sa ibang nagbabalak, wag na kau maligo sa delikadong mga falls na yan..wag na nating gambalain ang mga di nakkita

    ReplyDelete

Post a Comment